Sunday, June 15, 2008

tsk tsk tsk...

Mga 2:30pm kahapon, nagaabang na ako ng sasakyan papuntang Tuguegarao. Nakasakay ako ng mga 3:00pm. Dahil mahaba ang biyahe, nakatulog ako. pagkarating ko sa boarding, ilinapag ko lang ang mga gamit ko tapos nagpunta na ako sa plaza para bumili ng mga gamit para sa PHN bag ko. Hindi ko inakala na pagkamhalmahal ng maga gamit na iyo. Nabawasan ng malaki ang allowance ko, di pa man din ako humingi ng pambili.

Bumalik ako sa boarding, hindi na ako nagmeryenda kasi gusto kong tipirin ang natitirang allowance ko. Nakipaglaro na lang ako sa baby cousin ko. Nang magsawa ako, pumasok ako sa kuwarto ko at binuklat ko ang libro ko. Kailangan kong magreview kasi may test kami kinabukasan.

Kaninang umaga, maaga akong nagising para hindi ako malate. Pumasok ako ng school ksama si Carol. Pagkababa ko ng tricy, nakita ko na si Lai na kabababa rin ng tricy. Sabay na kaming umakyat sa building namin. Dumaan pa pala kami sa my bulletin board para tingnan groupings para sa duty namin. Pumasok na kami sa L24, andun na rin mga classmates namin. Kuwentuhan dito, kuwentuhan dyan. Then may nagsabi na wala raw yung CI namin. E di medyo nasiyahan naman kani ah dahil mapopostpone yung quiz. Pero nagulat ako nang sabihin nila na, NAGRESIGN na raw pala siya! Halla? Kumusta naman yun di ba?

Ahyun, yun Dean namin maghahanap pa tuloy ng papalit sa kanya... TSK TSK TSk.... Lagi nalang ganito naman!